Monday, January 8, 2007

THE NEXT BIG THING?

MAJA Salvador as an actress is undoubtedly one of the finest in her generation. Parang kailan lang nang ipakilala siya sa telebisyon, bilang isang anak na nangungulila sa ama- na miyembro ng famous Salvador Clan of showbiz. After that, sumabak na rin siya sa pag-arte. Mula sa bit roles, mabilis na nakita ang natural na angking talento ni Maja kaya naman sunod-sunod ang kanyang naging projects- sa TV at sa pelikula.

Sa pagpasok ng taong 2007, sinasabing isa si Maja sa precious talents ng ABS-CBN na pakikinangin ng husto. After all, magandang break din ang naibigay sa kanya this year via Sukob and First Day High, bukod pa sa mga teleserye at TV appearances.

Malakas nga ang bulong-bulungan ngayon na ang alaga ni Manay Chit Ramos ang ginu-groom ng Dos for bigger roles. Hindi naman malayong mangyari ito knowing malaki ang potential ni Maja to make it really big. Kapag nagkataon, makakahanay na niya sina Juday, Claudine, Bea at Kristine- na pawang Dos ang nagbigay ng big break.

Meanwhile, wish talaga ni Maja na makabili na ng sariling bahay para sa kanyang pamilya. Bilang tumatayong breadwinner, mabigat ang responsibilidad ngayon ng dalaga dahil may pinapag-aral siyang kapatid. Kaya kapag mas malaking break ang naibigay kay Maja this 2007, malamang na matupad na ang wish niya for her family.

0 comments: