Monday, January 8, 2007

MAYO SUZUKI!

Um-attend kami ng birthday ni Tita Maribel na mommy ni Mayo Suzuki- ang half-Filipino half-Japanese singer na minsan na umanong pinagselosan ni Sandara Park dahil close ito kay Joseph Bitangcol. Nagkaroon kasi ng mall tour si Mayo to promote her album na Telling My Heart at ang boyfriend ni Sandara ang isa sa guests nito. We half expected na nasa party ni Tita Maribel si Joseph, pero nang dumating kami- hulaan niyo kung sino ang katabi ni Mayo? Si Carlo Aquino! Aba, dun kami nagulat huh! Ano kaya ang reaction ni Angelica kapag nalaman niya ito?

Anyway, nakakatuwa itong si Mayo dahil kahit lumaki sa Japan ay diretso kung managalog- daig pa ang mga half-breed na ilang taon nang nasa Pilipinas pero hindi pa rin makapagsalita ng tagalog. Sabi nga ng isang malapit kay Mayo, talagang dedicated daw ito sa pinasok na career. Nag-aral ng husto ang dalaga para mabilis na matuto ng tagalog at mahabang oras ang ginugugol nito para mag-voice lessons.

Bukod sa mga mall tours at special shows, busy din si Mayo sa pagpromote ng iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas dahil siya ang Youth Ambassadress for International Concern ng League of Municipalities.

3 comments:

anonymous said...

bakit hindi nyo subukang magresearch about mayo suzuki's background?i dont thing na nagiisang anak sya ng millionaryong hapon sa japan, because kasi kilala ko kung cno ung totong anak nung japanese man na cnasabi ni mayo at ng mother nya, lalake ang totoo nyang anak at hindi un c mayo...anyway db may website nman c mayo?bakit hindi nyo hanapin ang mga baby pictures nya with her dad and mom???im sure hindi kayo makakakita!!!masyado lang kasi aping api na ung batang kilala ko na totoong anak nung hapon...kawawa nman...if you want to know more about it just email me... anonymous_girl51@yahoo.com

anonymous said...

bkt hindi nyo itry magresearch about mayo's background?masyado na kasi syang nakakasakit, at lalo na ang mother nya masyado ng nananapak ng tao!akala mo kung cnong mabait pero hindi nman tlaga...

anonymous said...

bkt hindi nyo itry magresearch about mayo's background?masyado na kasi syang nakakasakit, at lalo na ang mother nya masyado ng nananapak ng tao!akala mo kung cnong mabait pero hindi nman tlaga...