Monday, January 8, 2007

HUMAHATAW SA DANCE FLOOR

WALA pang isang taon nang mabuo ang all-male dance group na WindBraker pero hataw na sila sa mga shows and events. I met the group recently and bigla kong naalala ang UMD noong 90’s. Mga bagets pa ang members ng WindBraker- most of them between 18 to 22 years old lang, puro magagaling sumayaw and in fairness, may mga itsura.

Ayun kay Willy Balingit (na owner ng Artista Salon diyan sa Visayas Avenue) na siyang tumatayong manager nila, noong summer lang siya nagpa-audition for the group, and so far, happy naman siya sa nangyayari sa kanyang mga alaga. Aba, nagba-back up kay Mark Herras ang grupo, at recently nga ay kay Lovi Poe pa (ang magandang anak ni FPJ na recording artist na under Sony-BMG). Madalas ding guest sa mga tv shows ang grupo- pati sa SOP at Master Showman.

Wish ng grupo na mas dumami pa ang shows nila this 2007.

1 comment:

The Source said...

ayon sa matinding source si willy balingit ay isang estafador at magnanakaw at mapagpanggap. at nahaharap sa isang seryosong kaso. ito rin ang dahilan kung bakit sila tuluyang naghiwalay ng sikat na sikat na si bambi fuentes.