ALL of a sudden ay biglang nadawit ang pangalan ni Criselda Volks sa isyu ng away nina Lara Morena at Tonio Quiazon- na ikinagulat ng marami, especially ng mga taong nakakaalam sa tunay na pangyayari.
Noong umaga kasi ng January 3 ay parehong isinugod sa magkaibang ospital ang dating magkasintahan na sina Lara at Tonio dahil na naman sa isang violent confrontation- na tila hindi matapos-tapos. Nang parehong ma-interview sa TV, nakitang may tahi sa may itaas na labi si Tonio, samantalang si Lara naman ay iika-ika at may benda sa braso dahil nagkapilay.
According to Tonio, sinaksak siya ni Lara ng isang matalim na bagay at sa may mukha pa.
Pero ayun kay Lara na personal kong nakausap, self-defense daw ang nangyari dahil puwersahan umano siyang pinasok ni Tonio sa kanyang kuwarto (ipinakita pa niya ang wasak na pinto sa condo) at sinaktan. Dahil di na niya ang lahat, naisip niyang depensahan na ang sarili.
Ang palaisipan ay kung paano biglang nadawit ang pangalan ni Criselda Volks sa away na ito.
Nabanggit ni Tonio sa isang TV interview na nagselos daw si Lara kay Criselda.
Maging si Lara ay nagulat kung paano lumabas ang ganung chika dahil pinaninindigan niyang hindi kasali si Criselda sa away nila.
So what’s the real score? Nagpopromote ba si Criselda ng kanyang bagong pelikula?
Just wondering.
Tuesday, January 9, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment