Published, TORO (December 15, 2006) Page 5
DISAPPOINTING ang pelikulang REYNA na pinagbibidahan ng PBB Celebrity Winner Keanna Reeves. Nakakatawa ang trailer but sad to say, hanggang doon na lang yun.
Masyado kasing pilit ang pagganap na bading nina Franzen Fajardo, Jason Gainza at Bobby Andrews. Sina Diego at IC Mendoza lang ang natural sa pag-arte. May mga scenes na pilit ginawang nakakatawa pero flat naman- like ang pagsusuot ng mga damit-pambabae nila, di talaga carry. One can be gay and funny without cross-dressing.
Kung hindi dahil kay Eugene Domingo at Melanie Marquez, hindi magmumukhang comedy ang pelikula dahil kahit ang mga dialogue, pilit. Silang dalawa lang ang nagdala ng comedy angle- the rest, slapstick ang dating. Okay sana ang plot- isang babaeng frustrated maging beauty queen kaya’t sumali sa gay beauty pageant- kaso hindi napagyaman ng husto ang kuwento at hindi rin convincing ang mga kinuhang artista for their respective roles. Kaya mahina ang pagka-comedy ng kuwento. Nakakapanghinayang kasi pati ang mga beteranong sina Eddie Garcia at Dick Israel- na kasama sa pelikula- parang nadamay sa kahinaan ng kuwento.
Obviously ay hindi pa ready si Keanna Reeves na magdala ng pelikula kahit nakadalawang starring-roles na siya.
Friday, December 15, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment