YES, pinsan ni Kitchie Nadal ang baguhang singer na si Joy Velasco, a beautiful young girl with a golden heart. Mahilig kasi siyang tumulong sa mga less fortunate children. In fact, isang benefit show ang kanyang gagawin sa December 23, 2006 sa Makati para matulungan naman ang mga juvenile delinquents.
Say nga ng kanyang mother, nagulat siya nang malamang hilig ng kanyang dalagita ang pagkanta dahil eversince ay sa sports ito nag-e-excel. Kaya naman nang malaman niyang gusto nitong maging singer like her cousin Kitchie, full support naman agad sila.
High school pa lang si Joy pero involved na siya sa mga socio-civic activities and charitable works. Maaga siyang namulat sa pagtulong sa mga kapus-palad dahil nasa Rotary Club ang kanyang mommy.
Mahinhin at parang angel kung titingnan itong si Joy- animo’y hindi makabasag pinggan pero iba pala ito kapag nasa stage na at nagpe-perform. All out siya sa kanyang pagkanta at feel na feel niya. Nakita na namin itong magperform sa TV at maganda ang rehistro ng bata- may future ika nga.
Right now, bukod sa kanyang pag-aaral ay abala si Joy sa paghahanda para sa kanyang album na hopefully ay ma-release early next year.
Kung ano ang mga nilalaman ng kanyang upcoming album, abangan na lang daw.
Thursday, December 21, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment