Monday, December 18, 2006

LANCE RAYMUNDO, X-RATED ANG MUSIC VIDEO!

Published, December 18, 2006
TORO


MAY pagka-sexy ang music video ng The Beautiful Sun ng singer na si Lance Raymundo pero hindi malaswa- lalong hindi bastos ang pagkakagawa. In fact, artistic and medyo European ang style. Kaya marami ang nagtataka (sa mga nakapanood), especially Lance himself, kung bakit nabigyan yun ng X-Rating ng MTRCB.

“It’s not fair,” ito ang nasabi ni Lance sa isang interview. “Hindi naman bastos ang music video ko, basta na lang binigyan ng X.”

At para patunayan na hindi malaswa ang kanyang music video- ipinakita niya yun sa media. Matapos ang video- pare-pareho ang naging tanong ng mga nakapanood- bakit na-x rated?

Pero imbes na maghimutok na lamang sa isang tabi, mas minabuti ni Lance na magpaka-busy na lang sa kanyang mga singing engagements. Left and right ang kanyang mga guestings and shows kaya wala na siyang oras para maimbyerna pa sa nangyari sa kanyang music video- na ginastusan pa. Gagawa na lang uli siya ng music video kapag lumabas na ang kanyang bagong single early next year. Like his CD na Beautiful Sun na produced by his brother, Rannie Raymundo- ang kanyang ilalabas na CD next year ay kuya pa rin niya ang magpo-produce.

Sa mga naiintriga kung ano ang nilalaman ng music video ni Lance, maari itong masilip sa website na www.thebeautifulsun.com

No comments: