Saturday, December 16, 2006

ISABEL GRANADA BALIK PELIKULA

Published, December 16, 2006
TORO

BALIK pelikula si Isabel Granada via Sean Lim’s indie movie XENOA. Sci-fi thriller ang naturang pelikula at sa website pa lang nila (www.xenoamovie.com), ginastusan na. Mala-Hollywood ang packaging ng Xenoa- why not, e produkto ng Big Foot Entertainment (ang Philippine-based Hollywood Film School na nasa Cebu) ang director na si Sean Lim.

Excited nga si Isabel with the project, lalo pa at kasama din niya ang kanyang husband na si Councilor Geryk Genasky Aguas. Isabel is playing the role of Eli in the movie- isa sa mga bida, while si Geryk naman is playing Dalton.

Makakasama ng mestizang aktres sina Paolo Ballesteros at Rafael Nanquil as lead stars. Ang ibang members ng cast ay puro mga beterano pagdating sa entablado- the likes of Daniel Magisa, Hiyasmin Neri, Felipe Ronnie Martinez, Lili Chu, PJ Lanot and Lesley Leveriza among others.

Very promising ang film na ito na tungkol sa tatlong magkakapatid na tagapagmana ng trono ng Xenoa. Dahil sa matinding banta sa kanilang buhay, nagkahiwa-hiwalay ang tatlo. Ayun nga kay Isabel, very exciting ang pelikulang ito na ilalaban nila sa iba’t ibang filmfest abroad. Puno ito ng aksyon at mga special effects.

Well, goodluck sa buong production and cast ng Xenoa. Sana hindi madisappoint ang moviegoers.

No comments: