MASUWERTE ang taong 2006 kay Glaiza de Castro- ang magaling na young actress na madalas masabihang kahawig ni Angel Locsin. Nakarami siya ng pelikula, including hits like Manay Po, White Lady and Sukob, pati na din sa Pacquiao The Movie at sa kontrobersyal na Twilight Dancers. Hindi nabakante ang magandang dalaga from Valenzuela dahil aside from movies e humataw din siya sa TV. In fact nominated siya as Best Actress sa last PMPC Star Awards for TV. Identified si Glaiza sa ABS-CBN for awhile but a few months ago ay mas naging active siya sa GMA7, being part of Fantastikids.
Masaya nga si Glaiza sa takbo ng kanyang career, especially now na kasama pa siya sa entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival- ang ZSAZSA ZATURNAH. Naisingit din ni Glaiza sa kanyang hectic schedule ang paggawa ng album, in fact nai-shoot na ang kanyang MTV. Nakapagsimula na rin siyang mag-taping for Asian Treasures kung saan kasama niya sina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin and Mon Confiado. Kapatid ni Robin ang role niya dito (dapat kapatid na lang ni Angel Locsin since magkahawig sila!).
With all these blessings, wish ng dalaga this Christmas na sana magtuloy-tuloy till 2007 ang kanyang suwerte. Malamang na ito din ang kanyang birthday wish dahil ilang linggo na lang at magdiriwang na siya ng kaarawan.
NOTE:
I would like to thank Christian Bautista for sending a box of fruitcake the other day- also Jennifer Lee for the fruits. I wish you guys more success and blessings.
And to all, MERRY CHRISTMAS!
Tuesday, December 26, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment