Sunday, December 17, 2006

CONGRESSMAN, CRUSH NI JENNIFER!

Published, December 17, 2006
TORO

ISA sa mga bata at sikat na congressman ang crush ng Viva Hot Babe na si Jennifer Lee. In fact, excited siya at nagmamadali nung kelan lang dahil um-attend siya ng premiere night ng isang indie film. Andun daw kasi ang crush niya.

“Crush lang naman! Magaling kasi,” ani Jennifer, na ang tinutukoy ay ang magaling na mambabatas.

Alam ba niyang may misis na ang batang congressman?

“Opo. Hanga lang naman po ako sa kanya, that’s all.” Clue kung sino sa mga kongresista ang hinahangaan ni Jen? Well, lalake po siya at guwapo- laging nagsasalita sa mga issues. Yun lang, at baka magalit ang dalaga.

Regular sa sitcom ng ABS-CBN na AALOG-ALOG si Jennifer Lee. May dance video silang ginawa ni Sheree called Body Pump under Viva Films.

No comments: