MASUWERTE ang taong 2006 kay Glaiza de Castro- ang magaling na young actress na madalas masabihang kahawig ni Angel Locsin. Nakarami siya ng pelikula, including hits like Manay Po, White Lady and Sukob, pati na din sa Pacquiao The Movie at sa kontrobersyal na Twilight Dancers. Hindi nabakante ang magandang dalaga from Valenzuela dahil aside from movies e humataw din siya sa TV. In fact nominated siya as Best Actress sa last PMPC Star Awards for TV. Identified si Glaiza sa ABS-CBN for awhile but a few months ago ay mas naging active siya sa GMA7, being part of Fantastikids.
Masaya nga si Glaiza sa takbo ng kanyang career, especially now na kasama pa siya sa entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival- ang ZSAZSA ZATURNAH. Naisingit din ni Glaiza sa kanyang hectic schedule ang paggawa ng album, in fact nai-shoot na ang kanyang MTV. Nakapagsimula na rin siyang mag-taping for Asian Treasures kung saan kasama niya sina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin and Mon Confiado. Kapatid ni Robin ang role niya dito (dapat kapatid na lang ni Angel Locsin since magkahawig sila!).
With all these blessings, wish ng dalaga this Christmas na sana magtuloy-tuloy till 2007 ang kanyang suwerte. Malamang na ito din ang kanyang birthday wish dahil ilang linggo na lang at magdiriwang na siya ng kaarawan.
NOTE:
I would like to thank Christian Bautista for sending a box of fruitcake the other day- also Jennifer Lee for the fruits. I wish you guys more success and blessings.
And to all, MERRY CHRISTMAS!
Tuesday, December 26, 2006
HINDI GIMIK ANG LAHAT!
INAMIN ni Lara Morena na masama ang loob niya sa mga balitang lumabas na gumigimik lang siya at scripted ang nangyaring bugbugan blues sa kanila ng ex-boyfriend.
“Hindi ko ginustong mabugbog ako! Sino ba naman ang gusto ng sakit ng katawan?” mangiyak-ngiyak niyang pahayag sa isang exclusive interview. “Yung mata ko nga matagal bago nawala yung namuong dugo.”
Ani Lara ay tinuluyan niya ng demanda ang kanyang dating boyfriend na si Tonio Quiazon ng Viva Hot Men. Sa katunayan, naka-dalawang hearing na sila sa piskalya. Nagkaharap-harap ang dating mag-jowa noong Martes sa korte, with their respective lawyers.
Ayun pa sa sexy actress, kung tutuusin ay magastos ang magsampa ng kaso pero itinuloy pa rin niya ang reklamo sa korte dahil nga imbyerna na siya. Sana lang daw ay tigilan na ng iba ang pagsasabing gumigimik lang siya dahil hawak niya lahat ng kanyang hospital bills, police reports pati ang certificate mula sa medico-legal.
Ang higit na dinaramdam ngayon ni Lara ay ang matinding pangungulila sa dalawang anak na hindi na niya nakikita. Simula kasi nang lumabas ang sunud-sunod na eskandalo sa kanya, hindi na umano ipinapakita sa kanya ng kanyang ex-husband ang kanilang dalawang anak dahil apektado na ang mga bata.
Gumaling na nga ang mga sugat at pasang dulot ng pananakit sa kanya. Pero ang sugat sa kanyang puso at pagkatao ay ramdam pa rin niya hanggang ngayon.

SUPER IDOL
SA showbiz, hindi nawawala ang mga title- superstar, mega star, diamond star- lahat na ng puwedeng ikabit sa pangalan ng celebrity- kasi status symbol yun kung gaano kasikat ang artista. And since nagsulputan din ang napakaraming search ng kung anu-ano, lalong dumami ang mga titulo ng mga winners. May PBB Grand Winner, Star Struck Ultimate Survivor, Philippine Idol at ang latest nga ay ang PDA Grand Dreamer.
At sa lahat ng ito, pahuhuli ba naman ang anak ni Annabelle Rama? Kung sa TV, siya si Captain Barbell, sa mga taga-media, kilala ngayon si Richard Gutierrez bilang Super Idol of Philippine Cinema. Well, it’s about time kasi sunud-sunod naman talaga ang successful projects ng poging kapatid ni Ruffa. Very in-demand siya both as an actor and endorser.
After Captain Barbell ay may kasunod na agad siyang teleserye and of course, sila ng ka-loveteam na si Angel Locsin ang bida sa Mano Po 5, na entry ni Mother Lily sa Metro Manila Film Festival (MMFF). He is definitely one of the busiest actors we have in the industry.

Thursday, December 21, 2006
MOVIE NI JUDAY AT RYAN, INAABANGAN!
NGAYON pa lang ay hindi na mapakali ang mga fans sa Metro Manila Film Festival entry ng reel and real sweethearts na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo- ang pelikulang KASAL, KASALI, KASALO na handog ng Star Cinema. Halos magcountdown na sila para sa big day, which would be on December 25- sa mismong araw ng pasko.
In fairness sa pelikula, trailer pa lang ay nakakakilig na and kahit gasgas na ang plot tungkol sa realities of a married life, very modern naman ang pagkaka-package ng kuwento. Maski ang mga supporting stars ay markado ang mga roles. Kaya naman kahit hindi mga die-hard fans nina Juday and Ryan, inaabangan ang pelikula. Mas nagpaganda pa sa Kasal, Kasali, Kasalo ay ang theme song nito na Hawak-Kamay na pinasikat ng 1st Pinoy Dream Academy winner na si Yeng Constantino.
Sa mga gustong kiligin sa pasko, eto ang panoorin niyo. Kasama sa pelikula sina Gloria Diaz, Ariel Ureta, Gina Pareno, Juliana Palermo, Tuesday Vargas and Lui Villaruz, directed by Joey Reyes.

PINSAN NI KITCHIE, SASABAK NA RIN SA PAGKANTA
YES, pinsan ni Kitchie Nadal ang baguhang singer na si Joy Velasco, a beautiful young girl with a golden heart. Mahilig kasi siyang tumulong sa mga less fortunate children. In fact, isang benefit show ang kanyang gagawin sa December 23, 2006 sa Makati para matulungan naman ang mga juvenile delinquents.
Say nga ng kanyang mother, nagulat siya nang malamang hilig ng kanyang dalagita ang pagkanta dahil eversince ay sa sports ito nag-e-excel. Kaya naman nang malaman niyang gusto nitong maging singer like her cousin Kitchie, full support naman agad sila.
High school pa lang si Joy pero involved na siya sa mga socio-civic activities and charitable works. Maaga siyang namulat sa pagtulong sa mga kapus-palad dahil nasa Rotary Club ang kanyang mommy.
Mahinhin at parang angel kung titingnan itong si Joy- animo’y hindi makabasag pinggan pero iba pala ito kapag nasa stage na at nagpe-perform. All out siya sa kanyang pagkanta at feel na feel niya. Nakita na namin itong magperform sa TV at maganda ang rehistro ng bata- may future ika nga.
Right now, bukod sa kanyang pag-aaral ay abala si Joy sa paghahanda para sa kanyang album na hopefully ay ma-release early next year.
Kung ano ang mga nilalaman ng kanyang upcoming album, abangan na lang daw.

Monday, December 18, 2006
LANCE RAYMUNDO, X-RATED ANG MUSIC VIDEO!
Published, December 18, 2006
TORO
MAY pagka-sexy ang music video ng The Beautiful Sun ng singer na si Lance Raymundo pero hindi malaswa- lalong hindi bastos ang pagkakagawa. In fact, artistic and medyo European ang style. Kaya marami ang nagtataka (sa mga nakapanood), especially Lance himself, kung bakit nabigyan yun ng X-Rating ng MTRCB.
“It’s not fair,” ito ang nasabi ni Lance sa isang interview. “Hindi naman bastos ang music video ko, basta na lang binigyan ng X.”
At para patunayan na hindi malaswa ang kanyang music video- ipinakita niya yun sa media. Matapos ang video- pare-pareho ang naging tanong ng mga nakapanood- bakit na-x rated?
Pero imbes na maghimutok na lamang sa isang tabi, mas minabuti ni Lance na magpaka-busy na lang sa kanyang mga singing engagements. Left and right ang kanyang mga guestings and shows kaya wala na siyang oras para maimbyerna pa sa nangyari sa kanyang music video- na ginastusan pa. Gagawa na lang uli siya ng music video kapag lumabas na ang kanyang bagong single early next year. Like his CD na Beautiful Sun na produced by his brother, Rannie Raymundo- ang kanyang ilalabas na CD next year ay kuya pa rin niya ang magpo-produce.
Sa mga naiintriga kung ano ang nilalaman ng music video ni Lance, maari itong masilip sa website na www.thebeautifulsun.com

Sunday, December 17, 2006
CONGRESSMAN, CRUSH NI JENNIFER!
Published, December 17, 2006
TORO
ISA sa mga bata at sikat na congressman ang crush ng Viva Hot Babe na si Jennifer Lee. In fact, excited siya at nagmamadali nung kelan lang dahil um-attend siya ng premiere night ng isang indie film. Andun daw kasi ang crush niya.
“Crush lang naman! Magaling kasi,” ani Jennifer, na ang tinutukoy ay ang magaling na mambabatas.
Alam ba niyang may misis na ang batang congressman?
“Opo. Hanga lang naman po ako sa kanya, that’s all.” Clue kung sino sa mga kongresista ang hinahangaan ni Jen? Well, lalake po siya at guwapo- laging nagsasalita sa mga issues. Yun lang, at baka magalit ang dalaga.
Regular sa sitcom ng ABS-CBN na AALOG-ALOG si Jennifer Lee. May dance video silang ginawa ni Sheree called Body Pump under Viva Films.

Saturday, December 16, 2006
ISABEL GRANADA BALIK PELIKULA
Published, December 16, 2006
TORO
BALIK pelikula si Isabel Granada via Sean Lim’s indie movie XENOA. Sci-fi thriller ang naturang pelikula at sa website pa lang nila (www.xenoamovie.com), ginastusan na. Mala-Hollywood ang packaging ng Xenoa- why not, e produkto ng Big Foot Entertainment (ang Philippine-based Hollywood Film School na nasa Cebu) ang director na si Sean Lim.
Excited nga si Isabel with the project, lalo pa at kasama din niya ang kanyang husband na si Councilor Geryk Genasky Aguas. Isabel is playing the role of Eli in the movie- isa sa mga bida, while si Geryk naman is playing Dalton.
Makakasama ng mestizang aktres sina Paolo Ballesteros at Rafael Nanquil as lead stars. Ang ibang members ng cast ay puro mga beterano pagdating sa entablado- the likes of Daniel Magisa, Hiyasmin Neri, Felipe Ronnie Martinez, Lili Chu, PJ Lanot and Lesley Leveriza among others.
Very promising ang film na ito na tungkol sa tatlong magkakapatid na tagapagmana ng trono ng Xenoa. Dahil sa matinding banta sa kanilang buhay, nagkahiwa-hiwalay ang tatlo. Ayun nga kay Isabel, very exciting ang pelikulang ito na ilalaban nila sa iba’t ibang filmfest abroad. Puno ito ng aksyon at mga special effects.
Well, goodluck sa buong production and cast ng Xenoa. Sana hindi madisappoint ang moviegoers.

HOT VIDEO NI SHEREE
Published, December 16, 2006
TORO
DEADMA ang dating Viva Hot Babe na si Sheree sa pagkakabanggit ng name niya sa kontrobersyal na radio program ni DJ MO kamakailan lang. Nakapag-move on na ang sexy singer and right now ay focused siya sa kanyang career.
“Seryoso po ako sa pagkanta and in fact, ginagawa na po yung album ko. Hopefully early next year ay mai-launch na po siya,” kuwento ni Sheree during a recent pictorial. She is still being managed by Jessica Rodriguez.
Katatapos lang ding magshoot ni Sheree ng isang sizzling hot dance video with Jennifer Lee- the chinky-eyed mestiza of Viva Hot Babe. Body Pump ang title ng video na gawa under Viva Films. Like the other controversial videos of Viva, tiyak na marami na naman ang pagpapawisan sa videong ito.

Friday, December 15, 2006
SEMPLANG SA KOMEDYA ANG REYNA
Published, TORO (December 15, 2006) Page 5
DISAPPOINTING ang pelikulang REYNA na pinagbibidahan ng PBB Celebrity Winner Keanna Reeves. Nakakatawa ang trailer but sad to say, hanggang doon na lang yun.
Masyado kasing pilit ang pagganap na bading nina Franzen Fajardo, Jason Gainza at Bobby Andrews. Sina Diego at IC Mendoza lang ang natural sa pag-arte. May mga scenes na pilit ginawang nakakatawa pero flat naman- like ang pagsusuot ng mga damit-pambabae nila, di talaga carry. One can be gay and funny without cross-dressing.
Kung hindi dahil kay Eugene Domingo at Melanie Marquez, hindi magmumukhang comedy ang pelikula dahil kahit ang mga dialogue, pilit. Silang dalawa lang ang nagdala ng comedy angle- the rest, slapstick ang dating. Okay sana ang plot- isang babaeng frustrated maging beauty queen kaya’t sumali sa gay beauty pageant- kaso hindi napagyaman ng husto ang kuwento at hindi rin convincing ang mga kinuhang artista for their respective roles. Kaya mahina ang pagka-comedy ng kuwento. Nakakapanghinayang kasi pati ang mga beteranong sina Eddie Garcia at Dick Israel- na kasama sa pelikula- parang nadamay sa kahinaan ng kuwento.
Obviously ay hindi pa ready si Keanna Reeves na magdala ng pelikula kahit nakadalawang starring-roles na siya.

Subscribe to:
Posts (Atom)